ITCZ magpapaulan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN

ITCZ magpapaulan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN

July 16, 2022 @ 8:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa timog na bahagi ng Mindanao habang ang southwest monsoon o habagat ay makaaapekto sa kanlurang bahagi ng northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN na sasabayan ng kalat na pag-ulan dulot ng ITCZ.

Samantala, sa Metro Manila naman at natitirang bahagi ng bansa, makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan at isolated na pag-ulan dahil sa southwest monsoon / localized thunderstorms.

Ang wind speed para sa buong bansa ay light to moderate patungong southwest to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:35 ng unaga at lulubog mamayang alas-6:29 ng hapon. RNT/SA