ITCZ magpapaulan sa E. Visayas, Caraga

ITCZ magpapaulan sa E. Visayas, Caraga

November 28, 2022 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Mindanao ngayong Lunes sa Eastern Visayas at Caraga, ayon sa PAGASA.

Inaasahan ang flash floods o landslides dahil sa “moderate to at times heavy rains.

Samantala, makararanas sa Metro Manila at natititang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:03 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:24 ng hapon. RNT/SA