ITCZ magpapaulan sa Mindanao, iba pang lugar

ITCZ magpapaulan sa Mindanao, iba pang lugar

November 11, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Asahan ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Mindanao at Palawan.

Ito ang sinabi ng PAGASA kung saan kabilang din sa makararanas ng kaparehong panahon ay ang Eastern Visayas.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Metro Manila and the rest of the country will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms due to localized thunderstorms with possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.

Sa ngayon ay wala pa namang binabantayang bagyo o sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility. RNT/JGC