ITCZ magpapaulan sa Palawan, Visayas, Mindanao

ITCZ magpapaulan sa Palawan, Visayas, Mindanao

July 9, 2021 @ 6:35 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa  Palawan, Visayas, at Mindanao, batay sa PAGASA.

Makaaapekto rin ito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Sinabing posible itong magdulot ng baha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:33 a.m. at lulubog mamayang 6:30 p.m.  RNT/FGDC