ITCZ magpapaulan sa southern Mindanao

ITCZ magpapaulan sa southern Mindanao

November 23, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa timog na bahagi ng Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong Miyerkules, Nobyembre 23.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa kanilang ulat samantala ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot pa rin ng kaparehong weather system.

Pinag-iingat ang publiko sa banta ng flashflood at landslide sa mga pagkakataon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, magiging katamtaman naman ang bilis ng hangin na mararanasan sa Extreme Northern Luzon at banayad hanggang sa may katamtaman naman ang bilis ng hangin sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC