ITCZ magpapaulan sa Visayas, lima iba pang lugar

ITCZ magpapaulan sa Visayas, lima iba pang lugar

November 18, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magpapaulan sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region, Quezon at southern portion ng Aurora ang umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ito ang sinabi ng PAGASA sa kanilang weather bulletin ngayong Biyernes, Nobyembre 18.

Maliban dito, namataan naman sa layong 245 kilometro silangan ng General Santos City ang Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob sa naturang weather system.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng localized thunderstorm. RNT/JGC