ITCZ makaaapekto sa bansa

ITCZ makaaapekto sa bansa

July 8, 2021 @ 6:30 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, Visayas, at Mindanao ngayong Huwebes, batay sa PAGASA.

Makararanas ng mga pag-ulan ang Palawan, Visayas, at Mindanao dala ng ITCZ.

Gayundin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na makararanas ng mga pag-ulan, kulog, at kidlat.

Ibinabala rin ng PAGASA ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:33 ng umaga at lulubog mamayang 6:30 ng gabi. RNT/FGDC