ITCZ makaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

ITCZ makaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

July 10, 2021 @ 8:33 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, Visayas, atMindanao ngayong Sabado ng umaga, batay sa PAGASA.

Habang mananaig din ang localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ibinabala ang posibleng pagbaha sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:33 ang umaga at nakatakdang lumubog mamayang 6:30 ng hapon. RNT/FGDC