ITCZ makakaapekto sa bahagi ng Luzon, Visayas

ITCZ makakaapekto sa bahagi ng Luzon, Visayas

October 16, 2021 @ 8:25 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong araw ng Sabado, Oktubre 16.

Ito ay dahil sa umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ) ayon sa PAGASA.

Kabilang sa makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ay ang Palawan, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala binabantayan naman ang isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 405 kilometro kanluran ng Coron, Palawan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin naman ang iiral sa extreme Northern Luzon at light to moderate sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT