ITCZ, shear line magpapaulan sa Bicol, iba pang lugar

ITCZ, shear line magpapaulan sa Bicol, iba pang lugar

November 21, 2022 @ 6:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Kasalukuyang nakaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, Visayas ar Mindanao, at ang shear line naman ay nakaaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon na magdudulot ng rain showers sa Bicol Region at iba pang lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Palawan, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan at sasabayan ng kalat na rain showers at thunderstorms dahil sa ITCZ at shear line.

Samantala, makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Ang costal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Northern Luzon, at  slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:24 ng hapon. RNT/SA