Itik, pato, pugo bawal ipasok sa Pangasinan iwas-bird flu

Itik, pato, pugo bawal ipasok sa Pangasinan iwas-bird flu

March 1, 2022 @ 1:30 PM 4 months ago


PANGASINAN-Pansamantalang ipinagbabawal sa ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang pagpasok ng itik, pato, at pogo para mapigilan ang pagpasok ng avian influenza o bird flu na naunang nadetect sa Bulacan at Pampanga.

Ito ay batay  sa ibinabang executive order no. 0014-2022 ng provincial government upang masiguro na ligtas ang mga Pangasinense at ang poultry industry mula sa nabanggit na sakit.

May mga na-assign na magbabantay sa mga borders sa lalawigan partikular sa bayan ng Mangatarem, Bayambang, Infanta, Rosales, lahat ng exit ng TPLEX, at sa bayan ng San Fabian, upang tignan lahat ng mga sasakyan na magdadala ng mga itik, pato, pogo at iba pang mga produkto gaya ng balot lalo na kung ito ay mula sa probinsya na nakapagtala na ng kaso ng bird flu.

Nabatid na  hindi kabilang sa mga ipagbabawal na makapasok ang mga manok, ngunit sa kaso ng mga panabong, kinakailangan na ang mga magdadala nito sa probinsya ay may certification na ito ay galing sa avian influenza free areas. Rolando S. Gamoso