Itinakdang COVID bed allocation, konti lang ang sumunod – Vega

Itinakdang COVID bed allocation, konti lang ang sumunod – Vega

August 6, 2020 @ 6:40 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maliit na porsyento lamang ang natugonan para sa bed capacity ng mga  hospital sa kabila ng hinihiling ng Department of Health  na maglaan ng tiyak na porsyento  ng kanilang COVID-19 beds para sa pasyente.

Ito ay sa kabila rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga probisya kung saan karamihan na sa mga COVID wards para sa COVID-19 ay halos punuan na.

Napag-alaman na walong porsyento lamang ng mga pribadong hospital at 16 o 17% ng publikong hospital ang sumunod sa direktiba ng DOH para sa paglalaab ng COVID-19 bed allocation sa pribadong hospital, na dapat ay 20%, habang 30% naman sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega na siyang nangunguna sa critical care utilization ng hospitals na ang DOH ay nakikipag-ugnayan na sa mga hospital director kung paano matutugunan ang nasabing problema.

Aniya, unti-unti na nila itong tinutugunan. Katunayan pinataas na ng ilang probadong ospital sa 18% ang kanilang bed capacity, habang iniangat din sa 20% ang bed capacity ng ilang pampublikong ospital.

Hindi kasi ganoon kadali ang pag-convert ng mga wards papuntang COVID ward dahil hindi lamang ito kasing-simple ng pagpapalit ng kama, ayon kay Vega.

Paliwanag ng opisyal, ang mga hospital ay kailangang i-retrofit ang pasilidad upang masiguro ang kaligtasan ng health care workers sa pamamagitan ng paglalagay ng infection control measures.

Kailangan din aniya ng mga hospital ng maayos na bentilasyon para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Higit sa lahat, kailangan pa ng maraming HCWs dahil dalawang linggong kailangang magpalitan sa mga naka-deploy sa COVID wards.

Sinabi ni Vega na habang naiintidihan nila ang kahihinatnan ng mga hospital, sinabi aniya nila na kumilos ng mabilis habang ang bansa ay tumatalakay kaugnay sa pagtaas ng bilang ng mga kaso gn COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...