ITO ANG AKING KUWENTONG SSS

ITO ANG AKING KUWENTONG SSS

October 6, 2022 @ 2:49 PM 2 months ago


Malaki ang pagpapahalaga at pagmamahal ko sa Social Security System (SSS). Alam n’yo po, maaga akong naging biyuda, maliliit pa ang aming dalawang anak noong namatay ang aking asawa sa nasopharyngeal cancer. Si Jhon (6 years old) at si Jeff (3 yearsold), naging solo parent ako sa kanila sa loob ng 32 years. 

Sa tuwing ako ay magbabahagi ng aking kuwentong buhay, sinasabi ko na ang SSS ang dahilan kaya nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ang dalawa kong anak na kumuha ng multi-media arts na with honors si Jhon, at si Jeff ay isang licensed physical therapist.

Nagsimula sa 1,800 ang monthly pension ko noong 1990, dahil sa sobrang kalungkutan, ang tanong ko sa sarili ko? kung sakali maaga rin ako namatay, papaano na dalawang anak ko? Baka hindi sila paaralin? kaya bumili ako ng educational plan.

Ang funeral claims at monthly pension na nakukuha ko mula sa kanilang namayapang ama ang siya kong ginamit sa pagbayad sa Educational Plan sa loob ng limang taon.

Ang 1,800 pension na nakukuha ko mula sa kanilang namayapang ama at karagdagan 400 pesos mula sa inyong lingkod ang siya kong ginamit sa paghulog at pambayad sa kanilang educational plan kaya sila nagkapagtapos sa St Stephen High School noong sila ay nasa high school level.  Nakapagtapos din sila ng college sa exclusive school, si Jhon sa De La Salle University – College of St. Benilde, at si Jeff sa University of the East Ramon Magsaysay Medical Memorial Center.

Maaga man nawalan sila ng Ama pero alam ng dalawang anak ko na si Papa nila ang nagpaaral sa kanila, dahil sa monthly pension mula sa SSS.

Sabi nga ni Vice President Fernando “Fernan” Nicolas, hindi lang lugi, sobrang lugi ang SSS sa akin. Php 16,758.00 ang total contribution ng kanyang employers sa loob ng sampung taon. Ang share ng asawa ko ay nasa higit kumulang amin na libo lamang (Php6,000).

Mula September 29, 1990 hanggang October 2022, ang natanggap ng inyong lingkod mula sa SSS ay nasa PHP 1,064,142.00 at patuloy pa ang pagtanggap ko ng monthly pension hanggang hindi ako nag aasawa muli at nabubuhay pa.

Sa mga miyembro ng SSS, ini-engganyo ko kayong lahat na matutong mag-impok para sa inyong kinabukasan at sa oras ng pangangailangan, nandyan ang benepisyo ng SSS.