‘It’s More Fun in the Philippines’ slogan, papalitan ng DOT

‘It’s More Fun in the Philippines’ slogan, papalitan ng DOT

September 27, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pumayag ang administrasyong Marcos na “i-revisit” ang kasalukuyang slogan ng  turismo at palitan ito ng mas “reflective” na “best qualities” ng mga mamamayang Pilipino at ng Pilipinas.

Sa isinagawang  Commission on Appointments Committee on Tourism hearing, pinasalamatan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang mga tao na nasa likod ng matagumpay na “It’s More Fun in the Philippines” campaign subalit kailangan na aniyang magpalabas ang gobyerno ng bagong slogan at ikonsidera ang epekto ng  COVID-19 pandemic.

“Considering everything that the Filipino people have been through and everything that the world has been through in the past two and a half years coming out of the pandemic, upon discussion as well with the President, it’s the general notion that perhaps it’s time to revisit the branding campaign of the Philippines,” ayon sa Kalihim.

“[It’s time] to study how it may evolve to reflect the best qualities of the Philippines and the Filipino people, go beyond simply having fun, considering that if we evolve the branding campaign it will in no way diminish any fun tourists may have in the Philippines. The evolution of the branding campaign will only serve to herald Filipino brand and to herald to the world the best qualities of the Filipino people,” dagdag na wika nito.

Sa ngayon, may pagsisikap aniya na magsagawa ng pag-aaral kung paano ide-develop ng pamahalaan ang branding campaign.

Tiniyak naman sa mga miyembro ng  CA na kokonsultahin nila ang tourism stakeholders.

Matatandaang napaulat na papalitan na ang kasalukuyang slogan ng Department of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines”.

Ayon sa DOT, nais ng ahensya na gumawa ng slogan na magpapakita sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na planong pagandahin ang kasalukuyang slogan at maipakita ang mayamang kultura at pagkakakilanlan na tatak-Pilipino.

Sa ngayon, inihayag ng kalihim na under review pa ang ipapalit na slogan.

Mababatid na ang “It’s More Fun in the Philippines” ay ipinalit sa “WOW Philippines” na tourism slogan ng bansa. Kris Jose