13 patay, aktibong kaso ng COVID sa Pinas lagpas 7,000 na!

June 29, 2022 @7:40 AM
Views:
0
MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 576 na bagong impeksyon sa COVID-19 noong Martes habang ang bilang ng mga aktibong kaso ay tumaas sa 7,192, ang pinakamataas mula noong huling bahagi ng Abril.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nasa 3,702,319 na ang kabuuang bilang sa buong bansa.
Ang bilang ng mga nakarekober ay nasa 3,634,596, habang ang bilang ng mga nasawi sa bansa ay tumaas ng 13 hanggang 60,531.
Ang mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 4,078, sinundan ng Calabarzon na may 1,448, Western Visayas na may 717, Central Luzon na may 552, at Central Visayas na may 400.
Nasa 17.8% ang rate ng bed occupancy ng bansa, habang hindi bababa sa 5,251 na kama ang okupado, at 24,275 ang bakante noong Linggo, Hunyo 26.
Hindi bababa sa 18,595 na indibidwal ang nasubok, na may 328 testing laboratories na nagsumite ng data noong Hunyo 27. RNT
Bamboo Month kada-Setyembre isinabatas ni Duterte

June 29, 2022 @7:26 AM
Views:
3
MANILA, Philippines – Idineklara ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.
Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng bamboo plant at produkto nito.
“I, Rodrigo Roa Duterte, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare the month of September of every year as Philippine Bamboo Month,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Sa nasabing proklamasyon, binigyang direktiba nito ang Philippine Bamboo Industry Development Council (PBIDC) na pangunahan at i-promote ang pagdiriwang sa Philippine Bamboo Month at i-identify ang mga programa, proyekto at aktibidad para sa taunang selebrasyon nito.
“All other agencies and instrumentalities of the national government, including government-owned or -controlled corporations and state universities and colleges are directed and all local government units, relevant non-government organizations and civil society groups, as well as the private sector, encouraged to support the PBIDC,” ang nakasaad pa rin sa proklamasyon.
Sa kabilang dako, ipinalabas naman ang Executive Order No. 879 noong 2010 na lumikha sa PBIDC na naglalayong
i- promote ang product development ng bamboo o kawayan at paghusayin pa ang market access sa bamboo products, sa layuning mapanatili at mapalakas nito ang bamboo industry.
Ang Bamboo o kawayan ay itinuturing ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang isa sa “right priority industry clusters.”
Ang mga bahagi ng bamboo plant ay ginagamit hindi lamang para sa “nourishment and construction” ng simpleng imprastraktura kundi maging sa pagpo-produce ng world-class furniture at handicrafts. Kris Jose
P’que mayor Edwin Olivarez may COVID

June 29, 2022 @7:13 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez matapos na sumailalim sa pagsusuri at ngayon ay naka-isolate na.
Ibinahagi ni Parañaque City Administrator Fernando ‘Ding’ Soriano ang balita sa publiko at nag-abiso na rin para sa mga nakasalamuha o close contact ng alkalde na obserbahan ang kanilang mga sarili sa posibleng sintomas ng COVID kasabay ng kanilang pagsasailalim sa isolation at agad na humingi ng serbisyo medical.
Si Olivarez ay naiulat na asymptomatic na fully vaccinated at tumanggap na rin ng booster shots.
Ayon kay Soriano, maglalabas sila ng regular bulletin para sa update ng kondisyon ni Olivarez.
Sinabi ni Soriano na kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) pati na rin ang pagmo-monitor ng mga naging close contacts ni Olivarez.
Pinayuhan din ni Soriano ang lahat na gawin ang nararapat na hakbang sa pag-iingat at sundin ang minimum health protocols lalo na ang mga hindi pa bakunado gayundin ang mga napapabilang sa mga high-risk groups. James I. Catapusan
2 DQ case ni PBBM binasura ng Korte Suprema

June 29, 2022 @7:00 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Pinanigan at kinilala ng Korte Suprema ang legalidad ng kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. matapos na ibinasura ng tribunal nitong Martes ang mga petisyon na humihiling sa kanyang diskwalipikasyon.
Sa isang pahayag sa media sa pagtatapos ng regular na sesyon ng en banc, sinabi ng mataas na hukuman na nagdesisyon ito ng 13-0 na i-dismiss ang dalawang petisyon — G.R. No. 260374 (Fr. Christian B. Buenafe, et al. v. Commission on Elections, et al.) at G. R. No. 260426 (Bonifacio P. Ilagan, et al. v. Commission on Elections, et al.).
“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC (Certificate of Candidacy), being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec (Commission on Elections),” pasiya ng Supreme Court.
Hindi nakibahagi sa mga deliberasyon sina Associate Justices Antonio Kho at Henri Jean Paul Inting.
Si Kho ay dating Comelec commissioner habang ang kapatid ni Inting na si Socorro ay isang incumbent commissioner at ang acting chair hanggang ngayon.
Pinagtibay ng SC ruling ang mga resolusyon ng poll body, na may petsang Enero 17 at Mayo 10, na nag-dismiss sa mga petisyon laban kay Marcos dahil sa kawalan ng merito. RNT
Bagyong #CaloyPH magpapaulan sa Pinas

June 29, 2022 @6:45 AM
Views:
22