ITZY nagpasilip sa bagong MV

ITZY nagpasilip sa bagong MV

September 22, 2021 @ 2:56 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Nagpasilip ng kanilang bagong music video ng awiting ‘Loco’ ang sikat na K-pop girl group na ITZY sa pamamagitan ng isang teaser!

Bahagi ang ‘Loco’ ng kanilang paparating na debut studio album na ‘Crazy in Love’ na ibabagsak sa September 24, 1 ng hapon oras sa Korea.

Dahil dito ay excited na ang MIDZY sa upcoming album ng grupo, na kung matatandaan ay naging mainit din ang pagtanggap sa nagdaan ‘In the morning’ na single!

Binubuo ng limang miyembro ang ITZY na sina Yeji, Lia, Ryujin, Chaeryeong at Yuna na nag debut noong 2019. RNT


  •  
  •  
  •