Ivan Uy muling itinalaga bilang DICT chief

Ivan Uy muling itinalaga bilang DICT chief

October 6, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Pinangasiwaan ni Marcos ang oath of office ni Uy nitong Huwebes sa Malacañang.

Isa si Uy sa mga opisyal na na-bypass ng Commission on Appointments sa pag-adjourn ng Kamara para sa five-week recess. Sampu pang Cabinet members ang ni-reappoint din ng Pangulo.

Sinabi ng DICT chief na tututukan niya ang pagbibigay ng internet connectivity sa mga liblib na lugar sa bansa upang gawing accessible ang medical services at pagbutihin ang sistem ng edukasyon.

Nanungkulan din si Uy bilang chairman ng dating Commission on Information and Communications Technology sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. RNT/SA