Ivana, asar-talo sa pagkawala ng FB page!

Ivana, asar-talo sa pagkawala ng FB page!

October 4, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Obvious na asar si Ivana Alawi sa kanyang post socmed tungkol sa Facebook account na may multi-million followers na biglang nawala.

Sa isang short video, inihayag ni Ivana ang kanyang pagkadismaya.

“Hi guys. So tinanggal ng Facebook ang page ko. No violations, no update kung bakit nila tinanggal. Bigla na lang ilang ni-remove. Wala silang update sa akin. Sana maayos ito,” sabi niya.

Humingi rin ng tulong si Ivana sa sinomamg may kakilala sa Facebook lalo’t hindi lang daw siya ang may ganu’ng reklamo.

Si Zeinab Harake raw ay naging victim din ng FB glitch dahil ang kanyang verified account na @zeinab_harake na may 13M followers was “removed without explanation, no warning, so solution.”

“It’s been almost a month since her page has disappeared and endless promises from facebook team to resolve her problem but still no update. No one knows what’s happening or when it will get resolved or what to do. Who knows how many more are experiencing this,” says Ivana.

“My 19 Million Verified page disappeared with No Warning, No Violation, No Report and no email. A few hours later, my business page for @ivanaskinph also disappeared. It’s not a bug… No reports, No reason. Why??” post pa niya.

May kausap na raw si Ivana sa Meta/Facebook ngunit walang nangyari.

“There must be something deeper to this.

“Is Facebook even safe for creators and influencers?” sabi pa niya. Joey Sarmiento