Ivana at Marco, mag-on na?

Ivana at Marco, mag-on na?

October 13, 2021 @ 12:00 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May kumakalat na video sina Ivana Alawi at Marco Gumabao kung saan kumportableng-kumportable silang magkasama. Viral na viral na sa YouTube ang video.

Pero may mga netizen na itsinitsika ngayon na lingid sa kaalaman ng marami, ilang beses nang namataang magkasama sa isang lugar sina Ivana at Marco.

Hindi rin kaila ang paghanga ng dalawa sa isa’t isa.

As far back as November 2020, sa Q&A vlog ni Marco, natanong ang aktor kung sino sa kapwa vloggers niya gusto niyang maka-collab sa 24 hours jowa challenge.

Mabilis na sagot ng aktor: “Siyempre, kung ako ang masusunod, si Ivana Alawi!

“Kasi wala lang, kapag napapanood ko mga vlog niya, sobrang natutuwa ako. At saka feeling ko parang bagay kami!”

At that time, inamin na ni Marco na crush n’ya si Ivana.

Sa ‘Trotropahin o Jojowain’ vlog naman ng kapatid ni Ivana na si Hash Alawi, nabanggit naman ng sexy YouTuber ang pangalan ni Marco bilang isa sa mga showbiz crush niya.

“Ako gusto ko ‘yung typical Pinoy-looking. ‘Yung mga mukha ni Coco Martin. Sino pa ba ‘yung crush ko? Ang dami. Si Paolo (Avelino), si Marco (Gumabao),” pahayag ni Ivana.

Kinilig ang ilang netizens nang mag-react sa Twitter si Marco sa sinabing iyon ni Ivana.

“Ano toooo? @ivanaalawi.”

May nanalo na. Pareho silang wagi! Danny Vibas


  •  
  •  
  •