Ivana, bet pakasalan si Joshua!

Ivana, bet pakasalan si Joshua!

May 3, 2022 @ 7:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang kiligin ni Ivana Alawi kapag pinag-uusapan ang crush niyang si Joshua Garcia.

Ito ay na-reveal nang sumalang siya sa “Kiss, Marry, Kill” challenge para sa promo plug ng kanyang upcoming series na “A Family Affair.”

Nagbanggit ng mga pantasyang leading men at isa-isa itong kinilatis ng sexy YouTuber.

Ani Ivana, bet daw niyang pakasal kay Joshua Garcia.

Gusto naman niyang i-kiss si Paulo Avelino samantalang tipo niyang i-hug si Marco Gumabao.

Sa Hollywood celebrities naman, gusto niyang pakasalan sina Chris Evans, Chris Hemsworth at Ryan Gosling.

“Marry” din ang kanyang isinagot sa singers na sina Adam Levine at Zayn Malik samantalang bet niyang i-kiss si Charlie Puth.

Sa leading men naman sa kanilang serye, bet niyang i-hug sina Gerald Anderson at Sam Milby.

Dahil baby daw niya si Jameson Blake, type raw niya itong i-kiss..

Naiba naman ang sagot niya nang sabihin niyang bet daw niyang patayin si Jake Ejercito. Archie Liao