Ivana, dalawang beses naging sugar mommy!

Ivana, dalawang beses naging sugar mommy!

July 1, 2022 @ 9:12 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Not just once but twice.

Ito ang bilang ng mga panahong naranasan ni Ivana Alawi na gatasan ng kanyang nobyo.

Ito ang buong katapatang pag-amin niya sa vlog interview ni Dra. Vicky Belo along with her sister Mona.

Paglalahad ng sexy actress, sa edad na 17 daw ay nagkaroon siya ng nobyo na ang tingin sa kanya’y azucarera de mama.

Ultimo panggasolina raw nito sa sasakyan ay siya pa ang gumagastos.

Maging ang mga luho raw ng nobyo’y pinasasagot sa kanya.

Akala raw ni Ivana ay natuto na siya, pero nasundan pa raw ito.

Two years later, sa edad na 19 ay naulit uli ang senaryo.

Ginatasan daw uli niya ang sumunod na boyfriend.

More than ever, she has learned her lessons.

Never na raw niyang hahayaan ang sarili na abusuhin ng lalaking susunod niyang mamahalin.

Samantala, ikinumpara ni Ivana ang kanyang sarili sa kapatid in terms of struggles na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

Unlike Mona who didn’t have to struggle much, siya raw ay nakaranas ng maraming rejections.

Pero look at her now, nag-pay off ang lahat ng hirap niya.

Maging ang mga TV projects niya ay masuwerteng napunta sa kanya tulad na lang ng A Family Affair.

Totoo nga ang kasabihang, “There’s a light at the end of the tunnel.”

Vlogging-wise, palung-palo rin si Ivana. Ronnie Carrasco III