Ivana, laglag sa top 10 most number of IG followers!

Ivana, laglag sa top 10 most number of IG followers!

May 14, 2022 @ 10:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na hawak ni Ivana Alawi ang record na kabilang sa Top 10 celebrities with the most number of followers sa social media.

In both Instagram and Twitter, laglag na si Ivana.

At ang sinisilip na dahilan ay ang suporta umano nito kay VP Leni Robredo na tumakbong Pangulo pero bigo.

Hinihinalang mga BBM supporters ang nawala sa kanya.

Pero mismong mga supporter na rin ng presumptive President na si Bongbong Marcos ang umalma’t itinangging kinansel nila ang sexy vlogger-actress.

Anila, kahit daw sa ibang mga lantarang artistang hindi maka-BBM ay never nilang ginawa ‘yon.

Naniniwala raw sila sa malayang pagpapahayag ng mga saloobin ng mga sikat na personalidad.

And in Ivana’s case daw, wala silang matandaan na nag-post ito ng laban sa mga tagasuporta ni BBM ‘di raw tulad ni Pokwang na patuloy pa ring bina-bash.

Kung mapapansin naman kasi, pulos feel good ang mga posts ni Ivana, so paano siya magiging receiving end ng cancel culture?

Oo nga naman, come to think of it. Ronnie Carrasco III