Ivana, nag-throwback sa tambayan ng ina!

Ivana, nag-throwback sa tambayan ng ina!

November 4, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Panalo ang Ukay Shopping Challenge na naisip ni Ivana Alawi kung saan kalahok ang kanyang ina at Ate Amira.

Simple lang ang mechanics ng challenge: sa halagang P1k ay kailangang pagkasyahin nila ang kanilang bibilhing kasuotan.

Ang magwawagi ayon sa mga netizens na magsisilbing judge ay magwawagi ng P50k!

With the limited budget, nakabili si Amira ng black dress.

Inirampa naman ni Ginang Alawi ang nabiling red flower dress at black heels.

Todo emote naman si Ivana sa kanyang long-sleeved lace top na kita ang bra, ripped jeans at LV nude heels.

Pero on the side ay maraming kuwento ang ibinahagi ni Ivana tungkol sa ukay-ukay.

Hindi porke can afford siya ay hindi na niya tinatangkilik ang mga tindahang nagbebenta ng used clothes.

The last time daw Ivana went ukay-ukay shopping was two years ago, bago nagkaroon ng pandemic.

Mas nakakaaliw ang kuwento ni Ivana tungkol sa kanyang ina.

Ginagawa pala nitong tambayan ang ukay-ukay.

Once ay hinahanap daw nila ito dahil wala ito sa kanilang bahay.

Dahil wala nga raw ito sa bahay, alam nila kung saan ito matatagpuan: sa ukay-ukay!

Masasabing ang latest vlog na ito ni Ivana ay breather from the rest.

Malimit kasi niyang pinagtitripan ang mga taong hinahandugan niya ng tulong pagkatapos.

Naubusan na ng ideya? Ronnie Carrasco III