Ivana, nagkunwaring vendor, nagpaulan ng cash!

Ivana, nagkunwaring vendor, nagpaulan ng cash!

March 16, 2023 @ 3:30 PM 1 week ago


Manila, Philippines – What does it take to be a good social media influencer?

Isang netizen ang nagsabing dapat daw ay creative o malikhain ito pagdating sa kanyang mga vlogs.

Still another netizen shared his piece of mind na ang magaling na socmed influencer ay dapat magtaglay ng pusong dama ang pangangailangan ng kapwa.

If these are the basic requirements of a good socmed influencer, then walang duda that Ivana Alawi possesses them all.

In her latest vlog, nag-a la street vendor ang actress-vlogger roaming the busy and crowded streets of Manila.

Nagrenta si Ivana ng food cart on wheels at umikot para magbenta ng lumpiang toge, fish balls at kwek-kwek.

To give it a different twist ay hindi naman niya talaga inilalako ang kanyang paninda.

Umaawra lang siya sa mga mataong lugar para maghanap ng mga mapapalad na taong bibigyan niya ng pera.

Napakadali lang ng naisip na mechanics before any passerby could be richer by 1,000.

Walang ibang gagawin ang kanyang nilapitan kundi sagutin ang mga tanong niya.

Ayon kay Ivana, she prepared a set of random questions na iba-iba ang topic.

No, hindi para sa mga matatalino or those with good heads on their shoulders ang paandar ni Ivana, kaya kering-kering sagutin ang mga tanong.

Want another 1,000? Puwes, para madagdagan ang napanalunang isanlibong piso, walang ibang gagawin ang random contestant kundi mag-subscribe sa kanyang YouTube channel, and presto, may 2k ka na agad!

Umani naman ng mga papuri si Ivana sa kanyang panibagong gimik.

‘Yun daw ang mga katangiang dapat taglayin ng mga tulad niyang vlogger.

Creative na’t nakaka-entertain pa bukod sa may social responsibility pa.

Kung tutuusin, marami nang vlogs si Ivana kung saan ay namahagi siya ng mga ayuda sa ating mga kababayan.

Kumbaga, it’s payback time sa laki rin naman ng kinikita niya.

Eh, ‘yung ibang celebrity vloggers who don’t even share their blessings? Ronnie Carrasco III