Ivana, nagparetoke!

Ivana, nagparetoke!

June 22, 2022 @ 5:55 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isa pala sa mga pantasya ni Ivana Alawi ay ang pagkakaroon ng ilong tulad ng kay Liza Soberano.

Ito raw ang perfect nose para sa kanya.

Pero mismong si Dra. Vicki Belo na ang nagpayo sa sexy actress na huwag na huwag daw ipagagalaw ang kanyang ilong.

But it didn’t stop Ivana from pursuing her dream, pero sa ibang paraan niya ito isinakatuparan.

In her latest vlog, pinalabas ni Ivana na nagparetoke siya.

Paniwalang-paniwala naman ang kanyang pamilya na nagpaayos siya ng ilong.

Pero ang totoo pala, she went under the knife pero hindi ilong.

Hindi na niya binanggit which part of the body.

Prank lang pala ‘yon dahil ang totoong nagparetoke ng ilong ay ang kasambahay niyang si May.

Noon pa raw nito gustong sumailalalim sa procedure dahil tinutukso itong baboy dahil sa itsura ng kanyang ilong.

Si Ivana ang nagsilbing fairy godmother who made May’s dream come true.

Anyway, hindi man ibinuko ni Ivana na nagparetoke siya, mahulaan kaya ng publiko kung ano ‘yon? Ronnie Carrasco III