Ivana, namudmod ng pera’t laruan sa mga batang maysakit!

Ivana, namudmod ng pera’t laruan sa mga batang maysakit!

January 13, 2023 @ 3:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Ibang klase talaga kung magkawanggawa si Ivana Alawi.

Ilang vlogs na niya had her distributing help for the less fortunate, thus believing in the saying that those who have less should have more in life.

At dahil nakakaangat siya sa buhay, Ivana doesn’t mind sharing her blessings.

Para sa kanyang 26th birthday kamakailan, ang naisip naman niyang pasayahin ay mga batang maysakit na sa halip na naglalaro ay nakaratay sa ospital.

Relate much si Ivana dahil maysakit din ang kanyang younger sister na si Mona.

At a tender age, nag-i-insulin shot na si Mona because of her diabetes.

Mona’s ailment has caused her to quit showbiz even if she showed a great promise.

Bilang regalo sa mga bata ay nagbalot si Ivana ng mga laruan para sa 50 katao.

What’s more, may kasama pang tiglilimang libong piso ang bawat nakabalot na regalo.

Aniya, “Maliit lang ito kung tutuusin but it’s from the heart.”

Somehow, napawi ni Ivana ang naramdamang lungkot ng limampung batang ‘yon who are struggling with their health condition.

Siyempre, wala nang mas sasaya sa mga ito kundi ang kani-kanillang mga magulang na lubos ang pasasalamat kay Ivana.

Dasal nila’y pagpalain pa sana ang aktres nang marami pang mapasaya sa kanyang ginintuang puso.

Let your tribe increase, Ivana! Ronnie Carrasco III