Ivana, nasa 4th Most Beautiful Face of 2021!

Ivana, nasa 4th Most Beautiful Face of 2021!

January 1, 2022 @ 9:42 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Nakasama na naman sa listahan ng pinakamagagandang babae sa buong mundo ngayong taon si Ivana Alawi.

Kung last year ay nasa 11th spot ang actress/vlogger, this time ay nasa 4th place ito! (source: TC Candler and Independent Critics Youtube Channel)

Nanguna naman sa listahan si Lisa Manoban ng Blackpink. Sinundan ito nina Emilie Nereng (Norwegian blogger),

Halima Aden (Somali-American model),

Ivana, Nancy Jewel McDonie (Momoland member), Yael Shelbia (Israeli fashion model), Tzuyu (Twice member), Lyodra Ginting (Indonesian singer),

Jasmine Tookes (former Victoria’s Secret angel), at Nana (South Korean singer).

Bukod kay Ivana, kabilang din sa world’s most beautiful faces si Liza Soberano na nasa 18th spot at Janine Gutierrez na nakuha ang 78th spot.

Nakuha ni Liza ang top spot noong 2017, sino kaya ang next Pinay na magto-top?#proudpinay. Paula Jonabelle Ignacio