Ivana, positive sa COVID-19; 3 beses na RT-PCT test sa 1 araw, kinuwestiyon!

Ivana, positive sa COVID-19; 3 beses na RT-PCT test sa 1 araw, kinuwestiyon!

January 17, 2022 @ 8:21 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hindi nakaligtas si Ivana Alawi sa COVID-19.

Sa latest vlog ng actress/YouTuber, ibinahagi nito sa netizens na nagpositibo nga siya sa nasabing virus. Dahilan kung bakit nanahimik ito sa social media for a while at napa-Tweet pa nga ng, “Hindi ka nakakatuwa 2022,” with a sad face emoji.

“Sobrang maingat ako. Lagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho, sa dami-dami kong swab test, minsan three times a day dahil sa trabaho ko sa mga shoots laging negative,” emoyonal na pagbabahagi ng aktres.

Grabe aniya ang ingat niya kaya naman grabe rin ang gulat niya nang nag-positive siya.

Umani naman ng simpatya si Ivana mula sa netizens. Usually kasi ay masasaya at prank vlogs ang nilalabas nito pero this time, emotional ang vlog niya dahil sa kanyang health condition.

Nagpaalala naman ito sa publiko na huwag maging kampante kahit na feeling mo nagagawa mo ang best na pag-iingat.

But wait, may nag-question sa “RT-PCR tests na thrice a day” niya nagagawa minsan? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio