Ivana, sa palengke pinapakain ang pamilya!

Ivana, sa palengke pinapakain ang pamilya!

July 16, 2022 @ 4:50 PM 4 weeks ago


Barcelona, Spain – Bakasyon grande si Ivana Alawi sa Spain kasama ang kanyang ina at mga kapatid.

In particular, sa Barcelona napiling bumisita ang vlogger-actress.

Siyempre, marami ang nagpapalagay na ang Barcelona trip na ‘yon ay katas ng pagba-vlog niya.

One of the top celebrity vloggers kundi man nangunguna, balitang milyon ang kinikita ni Ivana sa vlogging.

Pero in fairness, ibinabahagi niya ang kanyang kinikita roon.

Milyon man ang kinikita niya, ang hindi alam ng marami ay hindi raw naman siya ubos-biyaya while on vacation in Spain.

Sa katunayan, sa halip na sa mga mamahaling restaurant niya dinadala ang kanyang pamilya ay pinapakain niya ito sa palengke.

Pati mga Pinoy na nakakakilala sa kanya roon ay nagtataka kung bakit palengke ang gusto niyang kainan.

Katwiran ni Ivana, sarap na sarap daw siya sa mga pagkain doon.

Bilib nga raw ang mga Pinoy roon sa kanya sa pagiging makamasa.

Pati rin daw kasi street food ay nilalantakan niya.

No wonder daw na malapit si Ivana sa masa sa kabila ng estado niya.

Kung tutuusin din daw, sa laki ng earnings niya sa vlogging ay maaari rin siyang bumili ng property sa Spain tulad ngq ginawa ni Bea Alonzo.

Malay natin, baka ‘yun din ang ipinunta niya roon, ‘di ba? Ronnie Carrasco III