Ivana, tinuruan si Dra. Belo maging wet and dirty!

Ivana, tinuruan si Dra. Belo maging wet and dirty!

October 17, 2020 @ 9:31 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Isa sa mga hit na vlog ni Ivana Alawi ay ang kanyang car wash challenge kung saan ay milyones ang nag-view at naging daan pa para kilalanin siya as bigating influencer. 

 

Dahil dito ay naisip din ng celebrity doctor na si Vicky Belo na sabayan si Ivana sa paglinis ng kotse na hindi niya nagawa sa matagal na panahon.

 

At para mas exciting ay sinama pa ni Dra. Belo ang youngest daughter na si Scarlet Snow upang makigulo sa vlog nila ni Ivana.

 

“I want Scarlet to learn as well. Kasi, she’s learning how to set the table with the plates pero ako, lumaki ako nang walang kaalam-alam sa mga gawaing bahay.

“Si Krystal naman ay lumaki din tulad ko.

 

“Nahihirapan kami ngayon kasi mahirap nang makakuha ng help. 

 

“‘Yung asawa naman ni Krystal ay foreigner so he doesn’t understand kung bakit ‘di siya marunong to do the simplest things,” sabi ni Dra. Vicky.

 

Game naman na nagpaunlak si Ivana kay doktora at pumayag na mag-guest sa YouTube channel ng huli.

 

Sa 17-minute vlog ni Dra. Belo ay tsikahan to the max sila ni Ivana tungkol sa kanilang past relationships at sa lalakeng minahal nila nang husto before getting wet and dirty sa garahe. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...