Ivanka Trump, White house nalang muna bago negosyo!

Ivanka Trump, White house nalang muna bago negosyo!

July 25, 2018 @ 8:43 AM 5 years ago


 

United States – Isasarado na ng anak ni US President  Donald Trump na si Ivanka Trump ang kaniyang fashion line para maging informal White House adviser.

Simula noong umupo sa puwesto si Trump, ang kaniyang pamilya ay inulan na ng mga pambabatikos dahil sa dami ng negosyo nitong real estate at consumer good, kaya’t tinawag din si Trump bilang ‘marker of luxury’ na naging problema sa kanilang tungkulin bilang Washington power players.

Tinawag ng mga kritiko ni Trump, ang pagsasarado ng negosyong ito bilang tagumpay para sa isinagawang boycott ng mga Trump-tied businesses na nagsimula bago pa man ang kaniyang kampay noong 2016.

“After 17 months in Washington, I do not know when or if I will ever return to the business, but I do know that my focus for the foreseeable future will be the work I am doing here in Washington,” sabi ni Ivanka Trump sa isang statement kahapon (July 24).

Hindi na ire-renew ang mga licensing contract ng kaniyang kompanya. Mga mamahaling damit, sapatos at mga accessory ang mga binibenta sa ilalim ng brand label ng negosyo ni Ivanka. Nasa 18-indibidwal naman ang mawawalan ng trabaho sa pagsasarado ng 11-years-old na kompanya. (Remate News Team)