Ivermectin ‘di nga gamot sa COVID-19 – DOH

Ivermectin ‘di nga gamot sa COVID-19 – DOH

September 17, 2021 @ 11:30 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of health na hindi inirerekomenda ag paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

“It has not proven to has significantly reduce mortality nor to improved other clinical outcome” ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng rekomendasyon ng British Ivermectin Recommendation Development (BIRD) sa Pilipinas particular kay Health Secretary Francisco Duque  kaugnay sa paggamit ng Ivermectin o prophylaxis para sa early treatment ng coronavirus disease.

Sinabi ni Vergeire, sinagot na ng DOH ang rekomendasyon ng BIRD kung saan sinabi na base sa kasalukuyang ebidensya at randomized controlled trial  ay hindi ito inirerekomenda panggamot sa COVID-19.

“So this recommendations will be updated as more evidence is generated from on going trials” pahayag pa ni Vergeire sa online press briefing.

Sa ngayon aniya ang medical consensus ay walang ebidensya na sumusuporta sa paggamit ng Ivermectin sa paggamot ng COVID-19 .

Dagdag pa ng opisyal, habang ang DOH ay hindi tutol sa paggamit ng investigational drugs, binibigyan diin ng ahensya na  ang paggamit ng  mga produkto na under investigation, ang kaligtasan ng bawat  Filipino ay dapat na unahin.

Dapat aniyang isaalang-alang muna ang kaligtasan ng mga Filipino bago maglabas ng paggamit ng mga gamot sa bansa.

Aniya, sinsiguro ng DOH at FDA na ang mga gamot sa COVID-19 ay ligtas, epektibo, accessible at affordable para magamit. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •