Iyakin ang star player

Iyakin ang star player

December 12, 2021 @ 11:18 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Mukhang naka-move on na ang Fil-Am player sa pagkakalipat niya sa isang farm team kasama ang kanyang teammates

Sa huling laro ng koponan ng point guard player kitang-kita na tanggap na nito ang pagkaka- trade sa kanya ng dating mother team.

Nung malaman ng Fil-Am player na iti-trade siya ay nag iiyak umano ito . Hindi niya akalain sa loob ng 6 na taon mamalagi sa kanyang sikat na team ay malilipat ito.

May dahilan naman ang management at team niya kung bakit siya inilipat. Unang una nagkaroon ito ng injury, pagkatapos ay bumaba ang laro ng basketbolista.

Hindi katataka kung bakit siya ang napiling tanggalin sa team. Saka nagbawas ng gwardiya ang runner-up  sa bubble game nung nakaraang season

Sa huling laro ng foreign player sa bago niyang team  ay mukhang ayos na ito. Bagamat bakas pa sa mukha nito ang lungkot.  Maganda kasi ang samahan sa team nito dati. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel