Iza, di naniniwala sa gender reveal, itinama ang maling gamit!

Iza, di naniniwala sa gender reveal, itinama ang maling gamit!

November 23, 2022 @ 6:30 PM 3 days ago


Manila, Philippines – At 40, hindi raw inakala ni Iza Calzado na mabubuntis siya.

The actress is heavy with a child by her partner Ben Wintle.

Totoo nga raw talaga ang kasabihang: “Life begins at 40.”

Ngunit sa kabila ng kanyang pagbubuntis, hindi naniniwala si Iza sa nakasanayan nang gender reveal among pregnant celebrities.

Nagpapa-party pa kasi ang mga ito with their close friends in attendance.

Wari’y kinorek pa ni Iza ang maling paggamit ng termino.

Hindi raw dapat tawaging gender reveal ‘yon kundi sex reveal.

Truth be told, alam na raw nila ni Ben ang kasarian ng isisilang niyang sanggol.

Nlinaw ni Iza that she has nothing against fellow celebrities who throw parties kasabay ng anunsyo ng kasarian ng kanilang ipinagbubuntis.

Aniya, if that is what brings them joy ay ipagbunyi nila ‘yon, “Celebrate it, have fun!”

But as far as she’s concerned daw ay mas mahalagang matiyak niya na isang malusog na sanggol ang iluluwal niya.

Inamin din ni Iza that proof she has nothing against sex reveal celebrations ay ang katotohanang siya rin daw mismo ay naiimbitahang umattend ng mga ‘yon.

So klaro ang stand ni Iza! Ronnie Carrasco III