Sa pagbabalik ng friendly neighborhood na si Spiderman, gagampanan muli ni Tom Holland, sa upcoming sequel nitong “Spider-Man: Far From Home,” may napapabalitang bibida rin sa pelikula ang komeyanteng si J.B. Smoove ngunit hindi pa tukoy kung ano at sino siya sa pelikula.
Kilala si Smoove bilang isang stand-up comedian at comic actor sa tatlong season ng hit sitcom na “Curb Your Enthusiasm” bago pa man sumali sa main cast ng comeback season noong 2017.
Ang kaniyang pagsali sa “Spider-Man: Far From Home” ay tamang tama lang sa ika-limang season ng “Curb Your Enthusiasm” at kahit hindi pa kumpirmado ang pagsali ni Swoove sa casting news, ayon sa mga sources, ipinatawag ang aktor para sa isang leading role.
Matatandaan na may usap-usapan ding si Jake Gyllenhaal ang gaganap bilang kontra-bidang buble-hemeted na si Mysterio sa sequel ng “Spider-Man: Homecoming”.
Noong June 2017, inilabas ang “Spider-Man: Homecoming” kung saan ito ay kumita ng $880 million sa box office dahilan para maging ika-anim ito sa highest-grossing film of the year at pangalawa sa pinakakumitang movie ng Sony.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang “Spider-Man: Far From Home” sa July sa susunod taon na susundan ng untitled movie ng Avengers sa May 2019. (Remate News Team)