Jack Ma nanirahan sa Japan kasunod ng China tech crackdown

Jack Ma nanirahan sa Japan kasunod ng China tech crackdown

November 30, 2022 @ 3:01 PM 2 months ago


JAPAN –  Nanirahan si Alibaba founder Jack Ma sa Tokyo nang halos anim na buwan  kasunod ng crackdown ng China sa sektor ng teknolohiya, ayon sa Financial Times.

Hanggang sa ngayon ay mailap pa rin sa publiko si Ma matapos ang pagkalos sa CHina sa IPO ng Ant Group ni Ma at pukulan pa ang Alibaba ng mga multa.

Sa kabila nito, sinabi ng FT na ginugol niya ang karamihan sa nakalipas na anim na buwan kasama ang kanyang pamilya sa Tokyo at iba pang bahagi ng Japan, kasama ang mga pagbisita sa Estados Unidos at Israel.

Bukod sa Japan nakita rin si Ma sa Mallorca sa Espanya.

Nitong Hulyo, sinabi ng isang ulat na binalak ni Ma na ibigay ang kontrol sa Ant Group para patahimikin ang mga Chinese regulator at buhayin ang unang pampublikong alok ng digital payments unit. RNT