Jackie Chan, crew, muntik tangayin ng mudslide!

Jackie Chan, crew, muntik tangayin ng mudslide!

August 9, 2018 @ 11:56 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Ibinunyag ng aktor na si Jackie Chan ang pagkrus nila ng landas ng kamatayan matapos rumagasa ang isang mudslide sa mismong lugar kung saan sila gumagawa ng pinakabagong pelikula na “Project X” sa  China.

Sa pinost ni Chan sa kaniyang Weibo blog nitong Lunes na pinamagatang “Mudslide,” idinitalye ng aktor ang kaniyang nakatatakot na karanasan. Bigla umanong sumama ang panahon sa lugar kung saan sila gumagawa ng pelikula na sinundan ng pagragasa ng tubig na may putik.

“Today, we started shooting on location. The weather suddenly changed and our crew were caught in a massive mudslide! A few of our production trucks were stuck in the river of rushing mud. Many of the crew became frightened because it was so sudden,” kwento ni Chan.

“Luckily, some large hook trucks come to our rescue and helped tow our production trucks to safety,” dagdag ng martial arts expert.

Pinaabot naman ni Chan ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kaniya at ng mga crew at nagpaumanhin din sa mga crew dahil sa takot na dulot ng mudslide.

“Our production team will learn from this experience; be more alert to the weather conditions, do our best to protect our crew members and ensure that working conditions are absolutely safe. Thanks to everyone for your hard work!,” ayon pa kay Chan.

Kasama ni Chan na bibida sa “Project X” ang WWE legend na si John Cena. Remate News Team