Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na bobolahin mamaya papalo sa P318M

Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na bobolahin mamaya papalo sa P318M

July 2, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan na papalo sa P318 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 ang bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado ng gabi, Hulyo 2, 2022.

Matatandaan na hindi nahulaan noong Miyerkules ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may winning 07-09-51-02-24-39 at premyong P298,452,472.00. Subalit 10 indibidwal naman ang nakapag-uwi ng tig-P!00,000.00 makaraang makakuha ng tig limang kombinasyon.

Dahil dito ay nag-carry over naman ang naturang premyo at inaasahang aabot sa P318 milyon ang premyo na bobolahin mamayang gabi.

Samantala, ang jackpot estimates naman ng PCSO sa Lotto 6/42 na bobolahin rin mamayang gabi ay nasa P22 milyon na. Toto Nabaja