Jackpot prize sa Grand Lotto 6/58, higit P319M na!

Jackpot prize sa Grand Lotto 6/58, higit P319M na!

December 3, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit P319 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/58 sa ginawang draw nitong Biyernes, Disyembre 2.

Sa naturang draw ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay wala pa ring nanalo o tumamang mananaya.

Ang winning combinations para sa Grand Lotto 6/58 ay 31-11-33-06-01-10 na mayroong kabuuang premyo na P319,977,404.00.

Sa Linggo inaasahan ang susunod na bola para rito.

Matatandaan na noong Agosto 5 pa huling tinamaan ang premyo ng Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P163,365,304.40.

Samantala, wala ring tumama ng jackpot prize sa draw ng Megalotto 6/45 na P51,930,751.00 sa winning combination nito na 33-43-14-40-31-07. RNT/JGC