Jackpot sa 6/55 Grand Lotto nasungkit na!

Jackpot sa 6/55 Grand Lotto nasungkit na!

January 22, 2023 @ 3:36 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nasungkit na ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Solong natamaan ng isang mananaya ang P29.7 milyon na jackpot prize sa ginanap na draw Sabado ng gabi, Enero 21 sa winning combination na
03-44-10-13-23-11.

Ikatlong araw na na magkakasunod na natamaan ang papremyo sa iba’t ibang Lotto games ng PCSO.

Matatandaan na nitong Biyernes, Enero 20 ay napanalunan din ang P49.5 milyon na jackpot sa 6/58 Ultra Lotto sa winning combination na 24-39-31-19-42-13.

Noong Huwebes naman, Enero 19 ay napanalunan din ang jackpot prize na P79.1 milyon sa 6/49 Super Lotto sa winning number combination na 17-19 -31-13-47-34. RNT/JGC