Jackpot sa Grand Lotto 6/55 aabot na sa P100M

Jackpot sa Grand Lotto 6/55 aabot na sa P100M

September 7, 2020 @ 3:34 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, na posibleng papalo sa P100 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 mamayang gabi.

Ayon sa opisyal, walang may nakakuha ng jackpot prize sa huling bola nito na ginanap noong Sabado ng gabi at may winning combination na 41-16-36-43-19-34 at may jackpot prize na P97,600,636.20, kaya’t inaasahang tataas pa ang kanilang papremyo ngayong araw.

Samantala, isang lucky bettor na naman ang nagwagi ng second prize na P100,000 matapos na mahulaan ang limang numero sa six digit winning combination.

Dahil dito, hinikayat ng pamunuan ng PCSO ang publiko na tumaya sa lotto dahil baka sila na ang susunod na magiging milyonaryo.

Ang Grand Lotto ay binobola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •  

Loading...