Jackpot sa Grand Lotto 6/55, walang nanalo

Jackpot sa Grand Lotto 6/55, walang nanalo

March 19, 2023 @ 12:07 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mailap at wala pa ring nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi, Marso 18.

Ang winning combination para sa Grand Lotto 6/55 ay 26 – 03 – 43 – 10 – 54 – 14 na may jackpot prize na P29,700,000.

Sa kabila na walang nakasungkit nito, mayroon namang walong mananaya ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 688 players na nanalo ng third prize na P500.

Ang Grand Lotto ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa ganap na alas-9 ng gabi.

Samantala, wala ring nanalo sa jackpot prize na P15,912,672.80 ng Lotto 6/42 sa
winning combination number nito na 37 – 34 – 35 – 13 – 08 – 12.

Sa kabila nito, mayroon namang 22 mananaya ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P24,000 at 952 manlalaro na nanalo ng third prize na P800.

Ang Lotto 6/42 naman ay binobola naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado sa kaparehong oras. RNT/JGC