Jaclyn at Andi, nag-unfollow sa isa’t isa!

Jaclyn at Andi, nag-unfollow sa isa’t isa!

November 5, 2022 @ 1:19 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa halip na nakatulong ay nakasama pa ang post ni Jaclyn Jose nang sabihin niyang her 58th birthday would have been complete had her daughter Andi Eigenmann greeted her.

Naiulat namin dito sa Remate Online na ang tanging kasama ng premyadong aktres nang ipagdiwang ang kanyang kaarawan ay ang isa niyang anak na si Gwen Ilagan.

Jaclyn posted their picture over a dinner at a resto.

Binanggit din niya ang apong si Ellie who greeted her on Facetime.

Ellie is Andi’s daughter by Jake Ejercito.

Bale ba, naghinampo rin si Jaclyn sa fiancè ni Andi na si Philmar Alipayo na hindi rin bumati sa kanya to think daw that he’s the father of her grandchildren.

Hindi malinaw kung bakit walang birthday greeting ang magnobyo.

Pero isa lang ang tiyak: in-unfollow na ng mag- ina ang isa’t isa sa Instagram.

Marami ang nagsasabi na posibleng na-offend o nasaktan ang ego ni Andi sa pag-call ng ina ng atensyon niya.

Since family affair naman daw ‘yon, hindi na raw kailangan pang isapubliko ‘yon ni Jaclyn.

Umaasa naman ang mga netizen na tampuhang mag-ina lang ‘yon.

Hindi naman daw kasi ito ang unang beses na napabalitang may isyu sa kanilang pagitan.

It may sound funny, pero sa social media na ngayon nagkakalabasan ng mga nagkakasirang relasyon sa pamamagitan ng pag-a-unfollow ng isa’t isa. Ronnie Carrasco III