Jaclyn, binawi ang retirement post!

Jaclyn, binawi ang retirement post!

September 2, 2022 @ 8:10 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Ikinagulat ng marami ang desisyon ni Jaclyn Jose na magretiro na, this she posted on her Instagram page madaling araw nitong September 1, Huwebes.

Pero pagdating ng hapon, binura niya ang “I am retiring” post.

Sa halip, klinaro ng multi-awarded actress na, “I wanted to but I still have a two-year contract with GMA.”

Kailangan daw niyang tapusin ‘yon.

Mismong ang road manager niya ang nagpaalala sa kanya na meron pa siyang contractual obligation sa Kapuso network.

Huling napanood si Jaclyn sa sportserye ng GMA na Bolera na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

In her earlier post, sinabi ni Jaclyn na nais niyang pag-ukulan ng panahon at atensyon ang dalawa niyang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck.

Sa naturang post din bumaha ng mga komento mula sa mga netizen na nalungkot sa kanyang anunsyo.

Sana raw ay magpahinga lang muna siya at huwag tuluyang mamaalam sa showbiz.

Hayaan na rin daw ni Jaclyn na ang mga artistang banong umarte ang siyang magretiro, hindi siya.

With two more years before she retires, tiyak na marami ang natuwa sa ‘di pa pagreretiro ng 2016 Best Actress sa Cannes Film Festival. Ronnie Carrasco III