Jaclyn Jose, mas affected pa kesa kay Andi?

Jaclyn Jose, mas affected pa kesa kay Andi?

June 26, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tila mas nalungkot pa si Jaclyn Jose kaysa kay Andie Eigenmann nang hindi nakasama ng anak niya ang apo na si Ellie nang magdiwang ng kaarawan.

Sa Instagram post kasi ni Jaclyn, isinama ni Jake Ejercito si Ellie sa kanyang graduation.

Tila nalungkot si Jaclyn dahil di nakasama ni Andi ang kanyang apo nang ipagdiwang ni Andi ang kanyang kaarawan. Nagsintimiento ito at nagkasunud-sunod ang post nito sa Instagram account nung mismong kaarawan ni Andi.

Pero sinabi rin niya sa comment niya na, “Lilipas rin ito.”

Ang ilan nga sa mga hugot ni Jaclyn, “Pigilan mo sarili mo Jane…I tell Ellie be kind and courageous..mahal ko si Ellie.

“Frustration is my middle name, disappointnment is my last name.”

Kahit nalungkot si Jaclyn ay sumang-ayon din siya sa ginawa ng anak.

“Mas pinili mong mapasaya si Jake sa graduation niya and I so agree. Basta madami ka pang birthday,” aniya.

Humanga rin si Jaclyn kay Andi dahil kamakailan lang ay pinuri pa nito si Jake sa pagiging mabuting ama kay Ellie.

“1st time you celebrated your birthday without Ellie, I ask why? You said minsan lang mag-graduate si Jake. I can always have her more of my birthday. I agree to that okey lang kasi mas lalo mo akong pinahanga sa pagmamahal mo kay Ellie. So proud of you for having been level headed. Ingat lagi anak sa dagat, “ say pa ni Jaclyn.

Teka Muna ni Gerry Ocampo