Jaclyn Jose, nakita ang sarili kay Cloe Barreto!

Jaclyn Jose, nakita ang sarili kay Cloe Barreto!

July 6, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Everybody knows na nagsimila ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa pagpapa-sexy. Ilan sa mga sexy films niya noon ay ang Private Show at White Slavery.

Ngayon ay kasama ni Jaclyn sa pelikulang Tahan ang newbie sexy star na si Cloe Barreto.

Ang tanong, ano ang ibinigay niyang payo kay Cloe bilang nagsisimula ang baguhang aktres as a sexy star just like Jaclyn way back.

“Ang sabi ko lang kay Cloe, kung ano ang inutos ng direktor, gawin mo na lang kahit sexy scene pa ‘yan. Kasi sa una pa lang, nabasa mo na naman ang wcript and nandoon lahat ‘yun and you agreed to it.

“So kapag sa eksena na at nandoyan na ‘yung sexy scene, e, hindi na dapat unarte pa para take 1 agad.

“Nakikita ko ang sarili ko lay Cloe kasi parang ganyan din ako nu’ng nagsisimula ako. And I’m sure na kung ipaglalatuloy lang ni Cloe ‘yung pagiging determined niya, e, makikilala ron siya bilang isang tunay na aktres soon,” sabi pa ni Ms. Jaclyn.

Ano naman ang masasabi ni Ms. Jaclyn sa mga nakakasama niyang artista na hindi agad makapag-deliver sa hinihingi ng direktor?

“i dont judge sa mga actors na hindi nakakapag-deliver pero dahil matagal na ako sa industry, e, alam ko if ‘yung artista, e, magtatagal. Hindi naman talaga ako ang magsasabi nu’n, ang tadhana.

“Hindi rin ako nambu-bully ng mga baguhan, kung tatakutin mo, ano ang mangyayarai, take 5 take 10, that will not work. Lalo silang matatakot at hindi makakapag-deliver. Paano kung may potensyal pero natakot lang at hindi nakapag-deliver?

“Marami na tayong pinagdaanan at dapat ‘wag kang maging hindrance sa kanilang pagsikat at kung ano ang pwede nilang puntahan. I just dont want negative vibes sa set.

“I am a very welcoming actor para sa mga newbie, I once was there sa sexy film,” sabi pa ni Jaclyn.

Bukod kay Jaclyn at Cloe, kasama rin sa Tahan

si JC Santos directed by Bobby Bonifacio, Jr. under Vivamax. Streaming na ang movie starting July 22, 2022.

The story of Tahan is a product of the creative mind of Cloe’s friend and fellow sexy actress, Quinn Carillo. JP Ignacio