Jaclyn, pinagdudahang lasing!

Jaclyn, pinagdudahang lasing!

September 4, 2022 @ 10:06 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Wala ba sa tamang wisyo si Jaclyn Jose nang ipost niya na magreretiro na siya?

Kumakalat kasi na lasing daw ang multi-awarded actress nang ianunsyo niya sa Facebook at sa kanyang Instagram page na masakit man daw sa loob niya’y nakapagdesisyon na siyang tumalikod sa showbiz.

Nais daw kasi ni Jaclyn na ibuhos ang kanyang panahon sa dalawa niyang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck.

Madaling araw ang post na ‘yon only to take it back bandang hapon ng araw ding ‘yon.

Ipinaalala raw kasi ng kanyang road manager na may kontrata pa siya sa GMA until 2024.

Binura na mismo ni Jaclyn ang kanyang earlier post.

Aniya, she has to finish her contract.

Nasilip tuloy ang kundisyon ng aktres sa nauna nitong post.

Lango raw ito ng mga sandaling ‘yon.

Sa mga nakakakilala raw kasi kay Jaclyn, pag galit o depressed daw ito’y ugali na nitong mag-post ng kung anu-ano.

Pero kapag nahimasmasan na raw ay saka niya buburahin ang mga ipinost niya.

Granting na lasing nga si Jaclyn, at least, hindi siya war freak o self-destructive.

Marami sa mga habitual drinkers do not know how to deal with their drunkenness.

At baka naman ang pag-inom ni Jaclyn ng alak is to calm her mind.

Stress reliever ‘baga. Ronnie Carrasco III