‘Jacqueline Comes Home’, gustong i-boycott

‘Jacqueline Comes Home’, gustong i-boycott

July 16, 2018 @ 12:31 PM 5 years ago


Boycott.

Ito ang panawagan ng  ilang netizen sa pelikulang ‘Jaqueline Comes Home’ kasunod ng pag-viral ng documentary tungkol sa naging buhay ni Francisco “Paco” Osmeña Larrañaga.

Si Larrañaga ang prime suspect sa pag-kidnap, pang-aabuso at pagpaslang umano sa magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong ng Cebu City noong July 16, 1997.

Ang documentary na pinamagatang ‘Give Up Tomorrow’ sa direksiyon ng foreigner  na si Michael Collins ay ipinalabas noong 2011 sa ibang mga bansa at dito sa Pilipinas noong 2012.

Sumentro ang dokumentaryong ito sa dinanas ng pamilya Larrañaga noong panahon ng mga pagdinig ng kaso.

Kasunod ng nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang ‘Jacqueling Comes Home’ na directorial debut ni Ysabelle Peach, na anak ng direktor na si Carlo J. Caparas at ng pumanaw na movie producer na si Donna Villa, dito na rin nagsimulang kumalat ang naturang docu film.

Ngayong araw ang 21st anniversary ng pagkawala ng Chiong sisters kaya naman itinakda sa July 18 ang playdate ng pelikula nilang pagbibidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.

Noong February 2004, death by lethal injection ang ipinataw ng korte na parusa kay Larrañaga at sa anim na co-accused niya pero nakaligtas ito nang i-abolish ang death penalty noong June 24, 2006 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Bukod dito, dahil dual citizenship (Filipino and Spanish) si Larrañaga nagawa ng Spanish government na ilipat siya sa Madrid Central Penitentiary sa Soto de Real, Spain para doon ikulong ang suspek sa bisa ng Treaty on the Transfer of Sentenced Persons, sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng Chiong family. (Remate News Team)