Jail inspector, niratrat sa ambush

Jail inspector, niratrat sa ambush

August 2, 2018 @ 2:44 PM 5 years ago

Sta. Ana, Manila – Namatay noon din dahil sa tama ng mga bala ang isang 49 anyos na jail inspektor ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang tambangan nang umano’y nagsosolong motorcycle rider sa Sta. Ana, Manila.

Kinilala ang biktimang si George Delfin, jail inspector ng BJMP na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, sa Bicutan, Taguig City, habang mabilis namang nakatakas ang di nakilalang suspek na inilarawang sakay ng isang pulang motorsiklo at nakasuot ng pulang helmet.

Iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang pamamaslang sa jail inspector na si George Delfin, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tinambangan ng umano’y nagsosolong motorcycle rider sa Sagrada st., corner Orobi, Sta. Ana, Manila, kaninang umaga. | REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

Base sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bandang 10:17 ng umaga nang maganap ang pananambang sa panulukan ng Sagrada St., at Orobi St. sa Sta. Ana.

Sakay umano ang biktima ng kanyang Mistubishi adventure na may plakang PPQ-551, nang bigla na lang agapayan ng suspek, at kaagad na pinaulanan ng bala.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang humarurot papalayo ang suspek habang kaagad namang binawian ng buhay ang jail inspector.

Gayunman, agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ni P/Supt. Alberto Barot, station commander ng sta. ana police station 6, upang agad na madakip ang nagsosolong suspek, habang inaalam ang motibo ng pananambang. (Rene Crisostomo/Revia Mae Sibal)