Jaja binuhat sa panalo ang Saitama vs Himeji

Jaja binuhat sa panalo ang Saitama vs Himeji

April 3, 2022 @ 12:29 PM 3 months ago


MANILA, Philippines –Pinalawig ni Jaja Santiago at ng Saitama Ageo Medics ang kanilang winning streak sa tatlo matapos talunin ang Victorina Himeji sa apat na set, 16-25, 25-19, 29-27, 25-17, sa Japan V. League.

Nagtapos si Jaja na may 13 puntos sa 11 atake at dalawang ace habang si Tisheira Lorenne ay nagpasiklab ng 22 markers na binuo sa 18 atake at apat na block habang ang Ageo Medics ay umunlad sa 19-13 habang si Himeji ay bumagsak sa 8-24.

Bukod sa Santiago-Lorenne duo, nakatulong din sa tagumpay si Mami Uchiseto na umukit ng 15 markers habang si Momoka Niida ay may 13-point output. Ang Ageo ay nagmumula sa mga panalo laban sa Okayama Seagulls at Toray Arrows.

Nanguna si Himeji ay si Saki Tanaka na pumutok ng 26 puntos ngunit ang kanyang outburst ay nasayang dahil nakaupo na sila ngayon sa ika-11 pwesto sa 12-team field.

Ang dalawang koponan ay muling maghaharap kung saan inaasam ng koponan ni Santiago na gawin itong apat na magkakasunod na panalo.

Samantala, si Marck Espejo at ang FC Tokyo ay dapat sasagupa kontra JT Hiroshima ngunit nakansela ang laro.Rico Navarro